Tuesday, March 18, 2014

On Mandatory Drug Testing in School: Are you in Favor or Not? | Your Online ACADEMIC & Entertainment Magazine



I'm in favor because it is their responsibility to maintain their school a drug-free. This can also help them build up students to engage more on their studies and by then be a good example for the public especially to the out of school youth. it can change their minds to go to school and leave their bad habits away.

On Mandatory Drug Testing in School: Are you in Favor or Not? | Your Online ACADEMIC & Entertainment Magazine


Tuesday, March 4, 2014

Dekonstruksyon ng Tula


BAYAN KO

Ang bayan kong Pilipinas 
Lupain ng ginto't bulaklak 
Pag-ibig na sa kanyang palad 
Nag-alay ng ganda't dilag 


At sa kanyang yumi at ganda 
Dayuhan ay nahalina 
Bayan ko, binihag ka 
Nasadlak sa dusa 

Ibon mang may layang lumipad 
Kulungin mo at umiiyak 
Bayan pa kayang sakdal-dilag 
Ang 'di magnasang makaalpas 

Pilipinas kong minumutya 
Pugad ng luha at dalita 
Aking adhika 
Makita kang sakdal laya 

Ang teoryang aking ginamit upang ipaliwanag ang tulang ito ay ang Teoryang Realismo. Ang teoryang ito ay base sa makatotohanang panitikan at ito rin ay naglalarawan ng makatotohanang pangyayari sa buhay. Nasasaad rin dito na optimistiko ang pananalig na lalaya ang masa sa pagkakalugmok nito.

Ang tula ay tumutukoy sa bansang Pilipinas na maaliwalas ang lupain at ang pagmamahal na natatanggap ng bansang ito ay nagbigay ng kagandahan sa lugar. Kaya naman sa taglay nitong kagandahan ay naakit ang mga dayuhan at sinakop ang bansa. Inihalintulad ang bansa sa isang ibong malaya na kapag ikinulong mo ay siya ring iiyak dahil gusto nitong maging muling malaya. Tinukoy ng awtor ang Pilipinas na kahit nakaranas ng paghihirap ay kanya pa ring tinitingala at ang hangad niya ay mulling makitang malaya ang bansa.




Source: http://ranieili2028.blogspot.com/2011/12/teoryang-pampanitikan.html