BAYAN KO
Ang bayan kong Pilipinas
Lupain ng ginto't bulaklak
Pag-ibig na sa kanyang palad
Nag-alay ng ganda't dilag
At sa kanyang yumi at ganda
Dayuhan ay nahalina
Bayan ko, binihag ka
Nasadlak sa dusa
Ibon mang may layang lumipad
Kulungin mo at umiiyak
Bayan pa kayang sakdal-dilag
Ang 'di magnasang makaalpas
Pilipinas kong minumutya
Pugad ng luha at dalita
Aking adhika
Makita kang sakdal laya
Lupain ng ginto't bulaklak
Pag-ibig na sa kanyang palad
Nag-alay ng ganda't dilag
At sa kanyang yumi at ganda
Dayuhan ay nahalina
Bayan ko, binihag ka
Nasadlak sa dusa
Ibon mang may layang lumipad
Kulungin mo at umiiyak
Bayan pa kayang sakdal-dilag
Ang 'di magnasang makaalpas
Pilipinas kong minumutya
Pugad ng luha at dalita
Aking adhika
Makita kang sakdal laya
Ang teoryang aking ginamit
upang ipaliwanag ang tulang ito ay ang Teoryang Realismo. Ang teoryang ito ay
base sa makatotohanang panitikan at ito rin ay naglalarawan ng makatotohanang
pangyayari sa buhay. Nasasaad rin dito na optimistiko ang pananalig na lalaya
ang masa sa pagkakalugmok nito.
Ang tula ay tumutukoy sa
bansang Pilipinas na maaliwalas ang lupain at ang pagmamahal na natatanggap ng
bansang ito ay nagbigay ng kagandahan sa lugar. Kaya naman sa taglay nitong
kagandahan ay naakit ang mga dayuhan at sinakop ang bansa. Inihalintulad ang
bansa sa isang ibong malaya na kapag ikinulong mo ay siya ring iiyak dahil gusto
nitong maging muling malaya. Tinukoy ng awtor ang Pilipinas na kahit nakaranas
ng paghihirap ay kanya pa ring tinitingala at ang hangad niya ay mulling makitang
malaya ang bansa.
Source:
http://ranieili2028.blogspot.com/2011/12/teoryang-pampanitikan.html
No comments:
Post a Comment