At ito naman si Mang Kanor , siya agad ang bumungad sa amin sa harap ng Manila Cathedral habang hinihintay namin ang iba pa naming mga kamag-aral. Matagal na siyang tour guide sa Intramuros at kapag may mga dayuhang nais libutin ang lugar siya ang numero unong sasama para ipakita ang ganda ng Intramuros.
Galeria De Los Presedentes De La Republica Filipina |
San Diego Gardens |
Pagbaba namin mula sa kalesa ay sinubukan naming maglakad-lakad kasama ng aking mga kaibigan at dito kami dinala ng aming mga paa (kahit talagang hinanap namin ang tagong lugar na ito) sa Casa Manila. Walang kakaiba sa lugar na ito ngunit napansin kong tila wala masyadong tao sa lugar na ito.
Umakyat kami sa itaas dahil may nakita kaming hagdan at mula roon ito ang tanawing aming nakita. Napakaganda, pakiramdam ako ako'y nasa isang kapaligirang punung-puno ng pagmamahal at napakasarap ng simoy ng hangin.
At ang huling destinasyon ay sa Nakamura Eatery kung saan sa una ay aakalain mong simpleng karinderya lamang itong lugar na ito pero kapag tinignan mo ang kanilang mga itinitindang pagkain ay puro mga pang-Japanese pala ang nagaabang sayo. Sinubukan kong tikman itong Chili Chicken at para sa akin ay malinamnam naman ang lasa. Sulit ang limampu't limang piso para sa isang napakasarap at nakabubusog na pagkaing tulad nito.
Akala ko huling destinasyon ko na ang Nakamura Eatery pero biglang pumasok sa isip ko itong monumentong ito na inialay para sa mga sibilyang nadamay sa panahon ng digmaan. Para sa akin ito ang nagsilbing mukha ng Intramuros. Oo, kapag nakarating ka ng Intramuros aakalain mong nasa panahon ka pa rin ng mga Kastila. Aakalain mong wala ka sa modernong panahon at nasasaksihan mo ang kasaysayan na ngayon ay ating pinag-aaralan pero sa kabila ng lahat ng ito maisaulo man natin ang lahat ng bayani at mga kilalang tao na may mahahalagang iniambag sa ating nakalipas. Huwag nating kalimutang tingalain at bigyang pagkilala ang mga sibilyang nadamay, namatay at nag-alay ng buhay para sa digmaan na siya ngayong dahilan ng ating tinatamasang kalayaan.
No comments:
Post a Comment