http://www.google.com.ph/imghp |
Saan man tayo mapadpad ay may iba’t ibang mga tao tayong nakakasalamuha. Sa
paaralan, opisina , lansangan , lugar
pasyalan at marami pang iba, may mga tao tayong nakakausap at
nakakapalagayang-loob, upang lubos na maunawaan kung paano nga ba ang proseso
kung paano natin nakikilala ang isang tao narito ang SOCIAL PENETRATION
THEORY na angkop na angkop para
ipaliwanag sa atin ang mga ito.
Sinasabi
sa teoryang ito na habang ang relasyon ng isa’t isa ay nagdedebelop, ang
kanilang komunikasyon ay nagbabago rin mula sa mababaw hanggang sa malalim at mas
pribadong mga bagay na pinaguusapan sa kanilang buhay.
Ang malalim na samahan ng dalawang tao ay nagmumula sa dahan-dahang proseso ng
pagbabahagi ng kanilang mga karanasan,nasa isip o kanilang nararamdaman (Altman
and Taylor,1973).
Ito ay
nangyayari sa lahat ng tao at maging sa akin kaya naman lubos akong naniniwala
sa teoryang ito. Sa mga magkaibigan, magkakilala,mga mahal sa buhay ,
magkasintahan at maging sa mag-asawa ay siguradong naranasan na nila ang isa sa
lima o maaaring lima sa mga baitang ng teoryang ito .
Ang ‘Orientation Stage’ , dito napapaloob
ang mga simpleng pagsang-ayon o ang pagpapakilala ng kanilang pangalan para
makuha kung ano man ang pakay nila sa kanilang kausap kung gusto ba nila itong
maging kaibigan o may kailangan lamang
silang impormasyon. Sa ‘Exploratory
Affective Stage’ nagaganap ang pagpapakilala ng kanilang katauhan at
pagpapahayag ng mga nararamdaman sa gobyerno o edukasyon at iba pa. Sa ‘Affective Stage’ nagiging seryoso ang
lahat na kung saan napaguusapan na ang mga pribadong bagay, itinatagong sikreto
at ang ang kritisismo ay nagiging normal
na lamang din sa baitang na ito, maihahanay dito ang mga magkasintahan,
mag-asawa at magbest-friend dahil sa puntong ito ay may ‘intimacy’ ng
nagaganap. Ang ‘Stable Stage’ ayon sa
mismong pamagat nito ay dito na nagiging matibay at matatag ang inyong
pagsasamahan , sa puntong ito alam niyo na ang inyong mga tunay na kulay para
bang may linyang nagdudugtong sa inyong
dalawa dahil base lamang sa ekspresyon ng mukha at mga galaw ng katawan ay alam
niyo na ang nararamdaman at nais ipahiwatig ng bawat isa. At ang huli ay ang
‘Depenetration Stage’ na ayaw makamit ng karamihan, dito kasi nangyayari ang
tinatawag na ‘Law of Reciprocity’ na
kung saan ang lahat ay bumabalik sa umpisa
sa kadahilanang isang tao na lamang ang nagsasalba ng relasyon. Sa
puntong ito ang isa na lamang ang nagbibigay ng kanyang panahon , lakas at
nararamdaman at wala ng bumabalik sa kanya kaya naman naghihiwalay o
nagsisimulang muli ang dalawang tao sa kanilang ipinundar na relasyon depende sa kanilang mapagkasunduan (Altman
and Taylor,1973).
Lubha
akong sumasang-ayon dito dahil lahat ng limang baitang na ito ay naranasan ko
na at ako ay naniniwalang lahat ng tao ay dumaan, kasalukuyang dumadaan at
pagdadaanan sa hinaharap ang mga ito. Ngayon mas magiging matalino na ako lalo
pa’t lubha kong naintindihan kung ano nga bang hatid ng teoryang ito sa atin.
Mas magiging maingat ako sa aking ikikilos kung ibibigay ko ba ang buong
pagkatao ko agad agad o pahihirapan ko muna ang isang tao upang makuha niya ang
kaloob-looban ng pagkatao ko at maaari ko ring maiwasang mangyari pa ang ‘Depenetration
Stage’. Maaari ko na ring tukuyin kung anong lebel na ng relasyon mayroon ako sa aking mga kaibigan o iniibig para maiangkop ko ang aking mga kilos at pananalita sa kanila ng hindi ako lumagpas sa aking limitasyon.
Sources:
(Retrieved: December 22,2013)
(Altman and Taylor,1973) http://pencil-pushing.blogspot.com/2012/04/week-8-social-penetration-theory.html (Retrieved: December 22,2013)
(Altman and Taylor,1973). Social Penetration: The Development of Interpersonal Relationships. New York: Holt, Rinehart and Winston (Retrieved: December 22,2013)
(Altman and Taylor,1973). Social Penetration: The Development of Interpersonal Relationships. New York: Holt, Rinehart and Winston (Retrieved: December 22,2013)