Friday, December 27, 2013

Hanggang kailan ang ating Samahan ?

http://www.google.com.ph/imghp

 Saan man tayo mapadpad ay may  iba’t ibang mga tao tayong nakakasalamuha. Sa paaralan,  opisina , lansangan , lugar pasyalan at marami pang iba, may mga tao tayong nakakausap at nakakapalagayang-loob, upang lubos na maunawaan kung paano nga ba ang proseso kung paano natin nakikilala ang isang tao narito ang SOCIAL PENETRATION THEORY  na angkop na angkop para ipaliwanag sa atin ang mga ito.

Sinasabi sa teoryang ito na habang ang relasyon ng isa’t isa ay nagdedebelop, ang kanilang komunikasyon ay nagbabago rin mula sa mababaw hanggang sa malalim at mas pribadong  mga bagay na pinaguusapan sa kanilang buhay. Ang malalim na samahan ng dalawang tao ay nagmumula sa dahan-dahang proseso ng pagbabahagi ng kanilang mga karanasan,nasa isip o kanilang nararamdaman (Altman and Taylor,1973).

Ito ay nangyayari sa lahat ng tao at maging sa akin kaya naman lubos akong naniniwala sa teoryang ito. Sa mga magkaibigan, magkakilala,mga mahal sa buhay , magkasintahan at maging sa mag-asawa ay siguradong naranasan na nila ang isa sa lima o maaaring lima sa mga baitang ng teoryang ito .

Ang ‘Orientation Stage’ , dito napapaloob ang mga simpleng pagsang-ayon o ang pagpapakilala ng kanilang pangalan para makuha kung ano man ang pakay nila sa kanilang kausap kung gusto ba nila itong maging kaibigan  o may kailangan lamang silang impormasyon. Sa ‘Exploratory Affective Stage’ nagaganap ang pagpapakilala ng kanilang katauhan at pagpapahayag ng mga nararamdaman sa gobyerno o edukasyon at iba pa. Sa ‘Affective Stage’ nagiging seryoso ang lahat na kung saan napaguusapan na ang mga pribadong bagay, itinatagong sikreto at ang  ang kritisismo ay nagiging normal na lamang din sa baitang na ito, maihahanay dito ang mga magkasintahan, mag-asawa at magbest-friend dahil sa puntong ito ay may ‘intimacy’ ng nagaganap. Ang ‘Stable Stage’ ayon sa mismong pamagat nito ay dito na nagiging matibay at matatag ang inyong pagsasamahan , sa puntong ito alam niyo na ang inyong mga tunay na kulay para bang may linyang  nagdudugtong sa inyong dalawa dahil base lamang sa ekspresyon ng mukha at mga galaw ng katawan ay alam niyo na ang nararamdaman at nais ipahiwatig ng bawat isa. At ang huli ay ang ‘Depenetration Stage’ na ayaw makamit ng karamihan, dito kasi nangyayari ang tinatawag na ‘Law of Reciprocity’ na kung saan ang lahat ay bumabalik sa umpisa  sa kadahilanang isang tao na lamang ang nagsasalba ng relasyon. Sa puntong ito ang isa na lamang ang nagbibigay ng kanyang panahon , lakas at nararamdaman at wala ng bumabalik sa kanya kaya naman naghihiwalay o nagsisimulang muli ang dalawang tao sa kanilang ipinundar na relasyon  depende sa kanilang mapagkasunduan (Altman and Taylor,1973).

Lubha akong sumasang-ayon dito dahil lahat ng limang baitang na ito ay naranasan ko na at ako ay naniniwalang lahat ng tao ay dumaan, kasalukuyang dumadaan at pagdadaanan sa hinaharap ang mga ito. Ngayon mas magiging matalino na ako lalo pa’t lubha kong naintindihan kung ano nga bang hatid ng teoryang ito sa atin. Mas magiging maingat ako sa aking ikikilos kung ibibigay ko ba ang buong pagkatao ko agad agad o pahihirapan ko muna  ang isang tao upang makuha niya ang kaloob-looban ng pagkatao ko at maaari ko  ring maiwasang mangyari pa ang ‘Depenetration Stage’. Maaari ko na ring tukuyin kung anong lebel na ng relasyon mayroon ako sa aking mga kaibigan o iniibig para maiangkop ko ang aking mga kilos at pananalita sa kanila ng hindi ako lumagpas sa aking limitasyon.


Sources:

(Retrieved: December 22,2013)

(Altman and Taylor,1973) http://pencil-pushing.blogspot.com/2012/04/week-8-social-penetration-theory.html (Retrieved: December 22,2013)

(Altman and Taylor,1973). Social Penetration: The Development of Interpersonal Relationships. New York: Holt, Rinehart and Winston (Retrieved: December 22,2013)


No comments:

Post a Comment