Friday, December 6, 2013
Day Off bilang Estudyante . . .
Nakakaasar sabi ko kay mama wag muna akong gigisingin. Kulit talaga , sabado na naman ano kaya mangyayari ngayong araw? Excited ako. Sakit pa ng mga mata ko , binati ako ng kapatid ko ng goodmorning. Sarap mag unat , sakit pa ng katawan ko . gusto ko pa matulog e kaso hindi na ko makakatulog ulit saka 6:47 na ng umaga e , alas siyete ako nagpapaalarm . wala rin konting oras nalang aalarm na phone ko. Bakit kaya ganito nararamdaman ko parang kakaiba tong araw na to , o naninibago ako kasi first time kong ginawa to ? matulog ng 8 hours sabay isusulat yung mga pumasok sa isip na kahit ano . bago sa akin to . sana kasi nagrereply si sir , nakarami na ko ng text hindi pa rin nagrereply . narereceive niya kaya ang mga text ko ? hindi ko alam kung pupunta pa kong PUP mamaya para magpacheck ng introduction ng thesis namin. Sarap pa mahiga , parang minamagnet yung katawan ko sa kama , sana kaya ko rin yung ginagawa ng iba na halos 24 hours na tulog . ngayon nalang ulit ako natulog ng ganito kahaba . hay ! ang lamok naman. Kati ng hita ko , lagi nalang ako kinakagat ng mga lamok. Ayan nakabukas na ang electric fan ewan ko nalang kung kagatin pa ko ng mga lamok. Gusto ko makanood ulit ng pba . kulit naman ni mama naaasar ako tinatanong ako kung tapos na ko sa homework ko . hello ? ginagawa ko pa nga e kasalukuyan pa kong nagtytype, uutusan na naman ako. Tinext ko pa siya kgbi sbi ko wag ako gigisingin kasi gagawa ako ng assignment ko e. wala ginising pa rin ako . panget tuloy ng gising ko. Nakakaasar na nakakayamot na ewan. Nagalarm na phone ko , alas siyete na . kilos kilos na rin. Boboboi na naman . lagi na lang pinapanood ng kapatid ko yan, di ba sya nagsasawa ? hahahha. Di na tumalino yang si bobo boy. Tapos oggy naman ang papanoorin pagkatapos . sarap maghikab , hahaha. Hindi na naman ako pinatulog ng pusa namin kagabi ngaw ngaw ng ngaw ngaw . kapag tulog kmi siya ang gising kapag kmi gising siya ang tulog . nakakangalay dumapa , sakit ng siko ko . ano na naman kaya mangyayari sa lunes ? gusto ko na magbakasyon nararamdaman ko na yung pasko kasi ang lamig lamig sa madaling araw. Makaligo na nga , pinapantal na ko . para magising gising naman ako sa malamig na tubig. At aalis pa ko , puntahan ko pa yung girlfriend ko . tagal na naming di nagkita e.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
Nakakairita nga 'yung magigising ka before mag-alarm ang phone mo. Ingat sa lakad ngayong araw! :)
ReplyDeleteHaha. Thank you po Ü kasi naman po nakahambalang ako sa sala namin e kaya ginising ako
Delete:)
Pashupang ka chel, ah. HAHAHA charaught :*
ReplyDeletemay kapatid ka pala hahaha kala ko only child ka. Lola's boy mehehehehe :D
ReplyDeleteWahahaha nafeel ko din yan! =))
ReplyDeleteBAKLABAKLABAKLABAKLA!
ReplyDelete