" Ako nga pala si Michael , ikaw si . . . ? Nice to Meet You :) "
Yan ang mga katagang lagi nating sinasambit kapag may mga tao tayong nakakasalamuha na nais nating makilala.
Maaaring sa unang pagkikita ay titimo lamang siya sa utak mo pero sa susunod na magkasalubong muli ang inyong landas , tiyak hindi mo na siya pakakawalan at hihingin mo na ang kanyang contact number.
Ganyan naman madalas ang nangyayari sa lahat ng tao. Sa una , magkakilala lang kami , magkaibigan , magkasintahan , magkaibigan , magkakilala at ang pinakamasaklap ay hindi niyo na kilala ang isa't isa. Iyan ang sirkulasyon madalas ng bawat tao sa mundo.
Nais kong ipakilala sa inyo ang SOCIAL PENETRATION THEORY , nasasaad sa teoryang ito ang pagkakakilala ng bawat tao sa isa't isa, mula sa pagkakakilanlan mo sa kanyang pangalan , katangian , interes , pribado at personal na mga bagay sa buhay hanggang sa pinakamalalim niyang iniisip na kulang na lang ay ang hindi mo alam ay ang laman ng kanyang tiyan at ang inyong paghihiwalay kung makaramdam ng pananawa , palalim ito ng palalim ayon sa pagkakasunud-sunod.
Kaya nga naihahambing rin itong teoryang ito sa isang Sibuyas na kung saan ang pagkakakilanlan niyo sa isa't isa ay tila ba pagbabalat ng sibuyas na bawat parte ang tinatapyas habang ang pagsasamahan ay lumalalim hanggang sa dumating sa pinakanilalaman ng sibuyas na kung saan ay wala na kayong itinatago pa sa isa't isa maging ang pinakamadilim na sikreto. Ang komplikasyon lamang nito ay ang DEPENETRATION o ang paghihiwalay , ito ay kalimitang nangyayari sa mga taong naabot na ang rurok ng kaligayahan at lumagpas na sa kanilang limitasyon bilang magsing-irog.
Sabi nga ng isa sa aming mga propesor sa kolehiyo ng komunikasyon na kaya ang mga kabataang naghihiwalay ngayon ay dahil hindi pa man sila kasal ay may nagaganap ng pagtatalik sa loob ng kanilang relasyon kapag nakamit na ang kaligayahan at ang isang daang porsiyento o higit pa ng iyong pagkatao ay wala ng dahilan para magpatuloy pa , hindi tulad kapag nagtalik ng bagong kasal matapos maibigay ang lahat ay sisibol ang kanilang sanggol at sa bata na maitutuon ang kanilang atensyon na ang ibig sabihin ay may bago sa kanilang relasyon may dahilan para magpatuloy , hindi sila mapapako sa puro pagtatalik lamang sa kanilang relasyon.
Lubha akong sumasang-ayon sa teoryang ito dahil lahat ng taong magkaibigan , magkasintahan o mag-asawa ay dumadaan sa prosesong sinasabi sa teoryang ito. Mula sa aking sariling karanasan kung paano ko nakilala ang aking mga malalapit na kaibigan ngayon sa loob ng silid-aralan , nagsimula sa simpleng magkakurso , naging magkatabi sa upuan , magkaklase , magkaibigan at habang lumilipas ang bawat araw ay nagiging panatag sa kanya na magbahagi ng iyong pagkatao hanggang sa sila na ang nagiging sandigan mo kapag may problema ka.
Mula sa pananaw ng isang nagmamahal , nagsimula kami noon sa simpleng pagkikita lang dahil ang mga kaklase niya ay mga kaklase ko rin noon sa hayskul. Hanggang sa susunod naming pagkikita ay hingi ko ang kanyang contact number, siyempre naging textmate kami at nag-usap ng mga simpleng bagay hanggang sa habang tumagal ay masasabi kong unti-unting nabubuo ang isang pagsasamahan bilang magkaibigan na kapag may mga simpleng problema ay naibabahagi ko sa kanya at ganoon din naman ako. Naging magkasintahan kami matapos ang pagkakaibigan na lalong tumatag dahil maging ang problema niya ay naging problema ko na rin at ang problema ko ay naging problema niya na rin. Away at bati ganoon naman siguro kapag nagmamahal hindi nawawalan ng sigalot sa loob ng relasyon. Mas pinatatag pa ng ipakilala ko siya sa aking pamilya at ganoon din siya. Walang kasing sarap ang pakiramdam na ang bawat araw ay punum-puno ng kilig at pagmamahal. Wala na yata kaming hindi alam sa isa't isa , umabot kami ng isang taon pero tila hindi na yata madudugtungan dahil nakaramdam na siya ng pananawa siguro marahil matapos maibigay lahat ng kanyang naisin , tulungan siya sa lahat ng kanyang mga problema. Dumating sa amin ang puntong paghihiwalay o ang depenetration stage , hindi ko malaman ang dahilan basta ang sinabi niya sa akin ay nawalan na siya ng gana. Biglang pumasok sa isip ko , oo nga pala't Disyembre na at panahon na ng malamig na simoy ng hangin kaya siguro pati ang kanyang pagmamahal sa akin ay lumamig na rin.
Bilang pagtatapos kukuha ako ng linya sa isang kanta ni Jireh Lim na pinamagatang Pagsuko.
Lumalamig ang gabi
Hindi na tulad ng dati
May pagasa pa ba kung susuko ka na
Larawan mo ba ay lulukutin ko na
Sa hirap at ginhawa tayo ay nagsama
Damdamin mo tila ay napagod na
Ikaw at ako ay alaala na lang
Kung susuko ka na
Hindi ito istorya ng buhay ko . Kuwento ito ng SOCIAL PENETRATION THEORY na inilapat ko ang aking sariling karanasan para lubusang maintindihan.
(Comment 1) What are your sources sa mga depinisyon ng teorya? Pati 'yung litrato na ginamit mo sa huling part, saan galing? Cite properly.
ReplyDelete(Comment 2)
Yan - 'Yan
Punum-puno - Punong-puno
(Comment 3)
*Mag-sing-irog ba talaga ang pinkamataas na lebel ng pagkakakilanlan?
*Natutuwa naman akong nilapat mo ang sariling karanasan para mas maintindihan ng mga mambabasa 'yung ibig sabihin ng teorya. Ang akin lang, sana hindi mo binitawan ang pagkikritik, at nagtapos pa rin sa paniniwala doon sa teorya. Sa kung paano mo ba balak na simulan ulit, o tpausin na lang talaga 'yung relasyon ninyo. Maganda rin na nagtapos ka sa kanta, pero kung ganoon, sana magsimula ka rin sa linya ng isang kanta para may 180 degree effect. :) Good job! :)
Tama si Ma'am, Ugat. Yung mga citations kulang ka. Pag naipasa na Cybercrime, yari ka. Hahahahaha. Peace! Tapos, ingat-ingat sa mga pagtype ng words, kita mo nakita rin ni Ma'am yung... READ COMMENT 2 ni Ma'am. Wag kang mag-alala, Ugat... Masaya naman ako sa nabasa ko. :) *happyhappy*
ReplyDeleteGood Luck! May tamang panahon sa mga ganyan. Ngayon, mag-aral muna. :)
ReplyDeletebuti nalang binasa ko muna yung comment ni mam bago ako maglagay.
ReplyDeleteMay kulang pa sa pagpapaliwanag at pagpapalawig ng mga bagay tungkol sa teorya. Yung ibang stages pre paliwanag mo din. yun lang... #MeMa hahaXD
medyo nakakahingal lang basahin yung iba. sample yung 6th or 7th paragraph, (Sabi nga ng isa...)
ReplyDeletemagagawan siguro ng paraan para mapaghiwa-hiwalay nang maayos yung mga sentences para hindi ganun kahaba. :-) labyu!
Buti pa kayo may hugot. hahahaha!
ReplyDeleteOther examples pa ng Social Penetration (bukod sa pagiging mag-jowa?) Wala na bang iba?
Medyo hindi ko naintindihan ang istorya mo dahil hindi naman ako sanay sa ganyan.
ReplyDeletesana inexplain mo muna yung theory bago ka naglagay ng example :)
Medyo nakakahilo yung mahabang paragraph sa bandang dulo ha. May mga onting errors din. Proofread mo. P.S. Ang taray ng lyrics sa dulo ha pero di ko magets ang relevance niya para sa theory mismo. :D
ReplyDeleteIka nga ni mam red "be direct to the point", medyo maligoy kasi :D
ReplyDeleteYung spacing before ang after comma. Enebeyen? HAHA. Complex sentences. Sobrang mahaba, isa lang naman ang tinutumbok mo. Tama si Diane, maligoy nga. Saka critic ito hindi ba? You should've done it in a proper way at hindi iyong lalabas siyang parang diary entry. Sinabi mo man sa huli na hindi kwento ng buhay mo yung blog na sinulat mo, pero parang ganun pa din ang lumabas kasi tungkol sa buhay pagibig mo napokus ang usapan. ;)
ReplyDeletePuro experiences ang napansin ko sa blog mo. Kulang ka pa sa explanation ng theory. Tama si Jow, parang halos puro tungkol sa buhay pag-ibig mo ang napokus. ;P
ReplyDeleteHindi ko alam kung magko-comment pa ba ako dahil lampas sampu ka na. :p
ReplyDeletePero magko-comment pa din ako, since binasa ko naman :D
Naintindihan naman ang pagpapaliwanag mo ng teorya. Mainam din na ginamit mo ang iyong sariling karanasan, ngunit kapansin pansin na masyadong nagpokus ang iyong akda dito na hindi na napansin kung ano ang kritiko mo sa teoryang iyong napili. :)
Masyadong maligoy, medyo nakakahilo basahin. Explanations pa, proper citations, rephrase ng mga sentence yung tipong hindi nakakahilo.
ReplyDeleteGo straight to the point. Organize your thoughts well. Medyo naguluhan ako pero natuwa naman ako. Develop pa po.
ReplyDelete