Tuesday, March 18, 2014
On Mandatory Drug Testing in School: Are you in Favor or Not? | Your Online ACADEMIC & Entertainment Magazine
I'm in favor because it is their responsibility to maintain their school a drug-free. This can also help them build up students to engage more on their studies and by then be a good example for the public especially to the out of school youth. it can change their minds to go to school and leave their bad habits away.
On Mandatory Drug Testing in School: Are you in Favor or Not? | Your Online ACADEMIC & Entertainment Magazine
Tuesday, March 4, 2014
Dekonstruksyon ng Tula
BAYAN KO
Ang bayan kong Pilipinas
Lupain ng ginto't bulaklak
Pag-ibig na sa kanyang palad
Nag-alay ng ganda't dilag
At sa kanyang yumi at ganda
Dayuhan ay nahalina
Bayan ko, binihag ka
Nasadlak sa dusa
Ibon mang may layang lumipad
Kulungin mo at umiiyak
Bayan pa kayang sakdal-dilag
Ang 'di magnasang makaalpas
Pilipinas kong minumutya
Pugad ng luha at dalita
Aking adhika
Makita kang sakdal laya
Lupain ng ginto't bulaklak
Pag-ibig na sa kanyang palad
Nag-alay ng ganda't dilag
At sa kanyang yumi at ganda
Dayuhan ay nahalina
Bayan ko, binihag ka
Nasadlak sa dusa
Ibon mang may layang lumipad
Kulungin mo at umiiyak
Bayan pa kayang sakdal-dilag
Ang 'di magnasang makaalpas
Pilipinas kong minumutya
Pugad ng luha at dalita
Aking adhika
Makita kang sakdal laya
Ang teoryang aking ginamit
upang ipaliwanag ang tulang ito ay ang Teoryang Realismo. Ang teoryang ito ay
base sa makatotohanang panitikan at ito rin ay naglalarawan ng makatotohanang
pangyayari sa buhay. Nasasaad rin dito na optimistiko ang pananalig na lalaya
ang masa sa pagkakalugmok nito.
Ang tula ay tumutukoy sa
bansang Pilipinas na maaliwalas ang lupain at ang pagmamahal na natatanggap ng
bansang ito ay nagbigay ng kagandahan sa lugar. Kaya naman sa taglay nitong
kagandahan ay naakit ang mga dayuhan at sinakop ang bansa. Inihalintulad ang
bansa sa isang ibong malaya na kapag ikinulong mo ay siya ring iiyak dahil gusto
nitong maging muling malaya. Tinukoy ng awtor ang Pilipinas na kahit nakaranas
ng paghihirap ay kanya pa ring tinitingala at ang hangad niya ay mulling makitang
malaya ang bansa.
Source:
http://ranieili2028.blogspot.com/2011/12/teoryang-pampanitikan.html
Tuesday, February 18, 2014
PALACIO DE INTRAMUROS
Elementarya ako noong unang beses kong marating ang lugar na ito at ngayon ay nabigyan ako ng ikalawang pagkakataon upang makita muli ang lugar na ito. Pagbaba ko pa lamang ng pampasaherong dyip ito na agad ang bumungad sa akin at lubos na kumuha ng atensyon ko, ang Palacio Del Gobernador na matatagpuan malapit sa Manila Cathedral.
Habang naglilibot kami sakay ng isang napakagandang kalesa ito pang mga lugar na ito ang sumunod na pumukaw ng aking mga mata. Likas ang ganda at hitik na hitik sa natural na yaman ng Pilipinas, hindi ko nga inakalang may mga magagandang lugar sa Maynila na isang sakay lang mula sa aking Sintang Paaralan.
Bago ko nilisan ang Casa Manila ay nagtungo muna ako sa kaisa-isang tindahan ng mga memorabilia sa Triple J's Souvenir Shop. Nais ko sanang bumili ng isa dahil napakamura nito sa halang limampung piso ngunit sapat lang ang dala kong pera para sa aking meryenda at pamasahe pauwi sa bahay.
At ito naman si Mang Kanor , siya agad ang bumungad sa amin sa harap ng Manila Cathedral habang hinihintay namin ang iba pa naming mga kamag-aral. Matagal na siyang tour guide sa Intramuros at kapag may mga dayuhang nais libutin ang lugar siya ang numero unong sasama para ipakita ang ganda ng Intramuros.
Galeria De Los Presedentes De La Republica Filipina |
San Diego Gardens |
Pagbaba namin mula sa kalesa ay sinubukan naming maglakad-lakad kasama ng aking mga kaibigan at dito kami dinala ng aming mga paa (kahit talagang hinanap namin ang tagong lugar na ito) sa Casa Manila. Walang kakaiba sa lugar na ito ngunit napansin kong tila wala masyadong tao sa lugar na ito.
Umakyat kami sa itaas dahil may nakita kaming hagdan at mula roon ito ang tanawing aming nakita. Napakaganda, pakiramdam ako ako'y nasa isang kapaligirang punung-puno ng pagmamahal at napakasarap ng simoy ng hangin.
At ang huling destinasyon ay sa Nakamura Eatery kung saan sa una ay aakalain mong simpleng karinderya lamang itong lugar na ito pero kapag tinignan mo ang kanilang mga itinitindang pagkain ay puro mga pang-Japanese pala ang nagaabang sayo. Sinubukan kong tikman itong Chili Chicken at para sa akin ay malinamnam naman ang lasa. Sulit ang limampu't limang piso para sa isang napakasarap at nakabubusog na pagkaing tulad nito.
Akala ko huling destinasyon ko na ang Nakamura Eatery pero biglang pumasok sa isip ko itong monumentong ito na inialay para sa mga sibilyang nadamay sa panahon ng digmaan. Para sa akin ito ang nagsilbing mukha ng Intramuros. Oo, kapag nakarating ka ng Intramuros aakalain mong nasa panahon ka pa rin ng mga Kastila. Aakalain mong wala ka sa modernong panahon at nasasaksihan mo ang kasaysayan na ngayon ay ating pinag-aaralan pero sa kabila ng lahat ng ito maisaulo man natin ang lahat ng bayani at mga kilalang tao na may mahahalagang iniambag sa ating nakalipas. Huwag nating kalimutang tingalain at bigyang pagkilala ang mga sibilyang nadamay, namatay at nag-alay ng buhay para sa digmaan na siya ngayong dahilan ng ating tinatamasang kalayaan.
Tuesday, January 28, 2014
Wednesday, January 22, 2014
WALANG MALINIS, WALANG MATUWID , LAHAT SILA MARUMI
Limang buwan ang nakalipas matapos
ang pananahimik ni Senador Ramon “Bong” Revilla Jr. laban sa akusasyon sa kanya
sa Priority Development Asisstance Fund Scam o PDAF Scam ay ngayon lamang siya
nagsalita at buong-buo niyang ipinahayag na wala siyang kinalaman sa mga
akusasyon sa kanya.
Sa
kanyang pahayag ay diumano’y inanyayahan siya ni Pangulong Benigno S. Aquino
III para kausapin tungkol sa kanyang pagboto sa pagpapasibak sa puwesto kay
dating Chief Justice Renato Corona , si Secretary of Trade and Industry Mar
Roxas II aniya ang sumundo sa kanya dala-dala ang isang kotse at inihatid kay
Pangulong Aquino, nadawit din ang pangalan ni Budget Secretary Butch Abad na
kasama rin na humingi ng pabor kay Senador Revilla. Isang araw matapos isiwalat
ang pahayag na ito ay agad na sumagot ang Malacanang sinabing walang katotohan
ang mga iyon , may mga bagay lamang daw na nilinaw ang Pangulo kay Senador
Revilla patungkol sa pagpapatalsik kay Corona.
Gayunpaman,
wala akong pinaniniwalaan sa dalawang ito na nasa tuktok ng pamahalaan ,
maaaring bahagyang nakuha ni Senador Revilla ang aking atensyon sa kanyang
pahayag pero siya ay aktor at kayang-kaya niyang lokohin ang mamamayan gamit
ang kanyang talento. May mga ebidensiya siyang ipinakita pero para sa akin ay
hindi iyon sapat na katunayan, kung may
katotohanan ang kanyang pahayag na inimpluwensiyahan ng Pangulo ang kanyang
boto sa pagpapasibak kay Corona sana
noon pa man ay agad na siyang nagsalita kung talagang nais niyang maisiwalat
ang katotohan. Bakit ngayon lang siya nagsalita tungkol doon ? Ibig sabihin
kung hindi siya nadawit sa PDAF Scam ay ititikom niya lang ang kanyang bibig?
Sa panig naman ng Pangulo , napakaraming isyu ang umalingasaw sa kanyang
termino kaya habang tumatagal nawawala na rin ang tiwala ko sa kanya na siya ay
nasa matuwid na daan kasama ang mamamayang Pilipino. Agad niyang pinabulaanan
ang pahayag ni Senador Revilla , kung ating iisipin napakabilis naman ‘yatang
depensahan ng Pangulo ang kanyang sarili at ang kanyang Administrasyon? Hindi
ba ito ang konkretong katotohan na siya ay may kinalaman sa binanggit ni
Senador Revilla ?
Samakatuwid,
naniniwala akong WALANG MALINIS AT WALANG MATUWID sa mga taong may posisyon sa
gobyerno. Naniniwala akong nagsabwatan ang Pangulo at ang Senador kaya lang
dumating ang pagkakataon na kailangan
nilang linisin ang kani-kanilang pangalan kaya ngayon sila ay naglalabas ng
baho ng bawat isa. Akala mo kung magsalita sila, sila ang tama , sila ang
ulirang pulitiko, pero ang katotohanan ni isa sa kanila ay wala , LAHAT SILA AY
MARURUMING TAO NA PILIT LANG NILILINIS AT PINAKIKINANG ANG KANILANG PANGALAN SA
MGA PILIPINO.
Source :
Image - https://www.facebook.com/photo.php?fbid=567367093353446&set=a.262604563829702.58025.257334291023396&type=1&theater
Sunday, January 5, 2014
Cooking Skills XD
This is my first ever VIDEO BLOG :), and my first ever cooking cooking on mainstream XD I am only a beginner and yet my first ever exposure is on Youtube , can you imagine ? :) what a mess ! -.-" Hope you like it :DD
Subscribe to:
Posts (Atom)