Tuesday, March 18, 2014

On Mandatory Drug Testing in School: Are you in Favor or Not? | Your Online ACADEMIC & Entertainment Magazine



I'm in favor because it is their responsibility to maintain their school a drug-free. This can also help them build up students to engage more on their studies and by then be a good example for the public especially to the out of school youth. it can change their minds to go to school and leave their bad habits away.

On Mandatory Drug Testing in School: Are you in Favor or Not? | Your Online ACADEMIC & Entertainment Magazine


Tuesday, March 4, 2014

Dekonstruksyon ng Tula


BAYAN KO

Ang bayan kong Pilipinas 
Lupain ng ginto't bulaklak 
Pag-ibig na sa kanyang palad 
Nag-alay ng ganda't dilag 


At sa kanyang yumi at ganda 
Dayuhan ay nahalina 
Bayan ko, binihag ka 
Nasadlak sa dusa 

Ibon mang may layang lumipad 
Kulungin mo at umiiyak 
Bayan pa kayang sakdal-dilag 
Ang 'di magnasang makaalpas 

Pilipinas kong minumutya 
Pugad ng luha at dalita 
Aking adhika 
Makita kang sakdal laya 

Ang teoryang aking ginamit upang ipaliwanag ang tulang ito ay ang Teoryang Realismo. Ang teoryang ito ay base sa makatotohanang panitikan at ito rin ay naglalarawan ng makatotohanang pangyayari sa buhay. Nasasaad rin dito na optimistiko ang pananalig na lalaya ang masa sa pagkakalugmok nito.

Ang tula ay tumutukoy sa bansang Pilipinas na maaliwalas ang lupain at ang pagmamahal na natatanggap ng bansang ito ay nagbigay ng kagandahan sa lugar. Kaya naman sa taglay nitong kagandahan ay naakit ang mga dayuhan at sinakop ang bansa. Inihalintulad ang bansa sa isang ibong malaya na kapag ikinulong mo ay siya ring iiyak dahil gusto nitong maging muling malaya. Tinukoy ng awtor ang Pilipinas na kahit nakaranas ng paghihirap ay kanya pa ring tinitingala at ang hangad niya ay mulling makitang malaya ang bansa.




Source: http://ranieili2028.blogspot.com/2011/12/teoryang-pampanitikan.html




Tuesday, February 18, 2014

PALACIO DE INTRAMUROS

                 Elementarya ako noong unang beses kong marating ang lugar na ito at ngayon  ay nabigyan ako ng ikalawang pagkakataon upang makita muli ang lugar na ito. Pagbaba ko pa lamang ng pampasaherong dyip ito na agad ang bumungad sa akin at lubos na kumuha ng atensyon ko, ang Palacio Del Gobernador na matatagpuan malapit sa Manila Cathedral.

                 At ito naman si Mang Kanor , siya agad ang bumungad sa amin sa harap ng Manila Cathedral habang hinihintay namin ang iba pa naming mga kamag-aral. Matagal na siyang tour guide sa Intramuros at kapag may mga dayuhang nais libutin ang lugar siya ang numero unong sasama para ipakita ang ganda ng Intramuros.

Galeria De Los Presedentes De La Republica Filipina 


San Diego Gardens


                         Habang naglilibot kami sakay ng isang napakagandang kalesa ito pang mga lugar na ito ang sumunod na pumukaw ng aking mga mata. Likas ang ganda at hitik na hitik sa natural na yaman ng Pilipinas, hindi ko nga inakalang may mga magagandang lugar sa Maynila na isang sakay lang mula sa aking Sintang Paaralan.




                   
                            Pagbaba namin mula sa kalesa ay sinubukan naming maglakad-lakad kasama ng aking mga kaibigan at dito kami dinala ng aming mga paa (kahit talagang hinanap namin ang tagong lugar na ito) sa Casa Manila. Walang kakaiba sa lugar na ito ngunit napansin kong tila wala masyadong tao sa lugar na ito. 

                          Umakyat kami sa itaas dahil may nakita kaming hagdan at mula roon ito ang tanawing aming nakita. Napakaganda, pakiramdam ako ako'y nasa isang kapaligirang punung-puno ng pagmamahal at napakasarap ng simoy ng hangin.

                             Bago ko nilisan ang Casa Manila ay nagtungo muna ako sa kaisa-isang tindahan ng mga memorabilia sa Triple J's Souvenir Shop. Nais ko sanang bumili ng isa dahil napakamura nito sa halang limampung piso ngunit sapat lang ang dala kong pera para sa aking meryenda at pamasahe pauwi sa bahay.
                               At ang huling destinasyon ay sa Nakamura Eatery kung saan sa una ay aakalain mong simpleng karinderya lamang itong lugar na ito pero kapag tinignan mo ang kanilang mga itinitindang pagkain ay puro mga pang-Japanese pala ang nagaabang sayo. Sinubukan kong tikman itong Chili Chicken  at para sa akin ay malinamnam naman ang lasa. Sulit ang limampu't limang piso para sa isang napakasarap at nakabubusog na pagkaing tulad nito.
                               Akala ko huling destinasyon ko na ang Nakamura Eatery pero biglang pumasok sa isip ko itong monumentong ito na inialay para sa mga sibilyang nadamay sa panahon ng digmaan. Para sa akin ito ang nagsilbing mukha ng Intramuros. Oo, kapag nakarating ka ng Intramuros aakalain mong nasa panahon ka pa rin ng mga Kastila. Aakalain mong wala ka sa modernong panahon at nasasaksihan mo ang kasaysayan na ngayon ay ating pinag-aaralan pero sa kabila ng lahat ng ito maisaulo man natin ang lahat ng bayani at mga kilalang tao na may mahahalagang iniambag sa ating nakalipas. Huwag nating kalimutang tingalain at bigyang pagkilala ang mga sibilyang nadamay, namatay at nag-alay ng buhay para sa  digmaan na siya ngayong dahilan ng ating tinatamasang kalayaan.


Tuesday, January 28, 2014

 
          Nagkalat ang malalaking tarpaulin na nagpahatid ng  pagbati na may kasamang mukha ng mga pulitiko pagkatapos ipagdiwang  ng Barangay Poblacion ang kanilang pista sa Mandaluyong City.

Wednesday, January 22, 2014

WALANG MALINIS, WALANG MATUWID , LAHAT SILA MARUMI

Limang buwan ang nakalipas matapos ang pananahimik ni Senador Ramon “Bong” Revilla Jr. laban sa akusasyon sa kanya sa Priority Development Asisstance Fund Scam o PDAF Scam ay ngayon lamang siya nagsalita at buong-buo niyang ipinahayag na wala siyang kinalaman sa mga akusasyon sa kanya.

                Sa kanyang pahayag ay diumano’y inanyayahan siya ni Pangulong Benigno S. Aquino III para kausapin tungkol sa kanyang pagboto sa pagpapasibak sa puwesto kay dating Chief Justice Renato Corona , si Secretary of Trade and Industry Mar Roxas II aniya ang sumundo sa kanya dala-dala ang isang kotse at inihatid kay Pangulong Aquino, nadawit din ang pangalan ni Budget Secretary Butch Abad na kasama rin na humingi ng pabor kay Senador Revilla. Isang araw matapos isiwalat ang pahayag na ito ay agad na sumagot ang Malacanang sinabing walang katotohan ang mga iyon , may mga bagay lamang daw na nilinaw ang Pangulo kay Senador Revilla patungkol sa pagpapatalsik kay Corona.

                Gayunpaman, wala akong pinaniniwalaan sa dalawang ito na nasa tuktok ng pamahalaan , maaaring bahagyang nakuha ni Senador Revilla ang aking atensyon sa kanyang pahayag pero siya ay aktor at kayang-kaya niyang lokohin ang mamamayan gamit ang kanyang talento. May mga ebidensiya siyang ipinakita pero para sa akin ay hindi iyon sapat na katunayan,  kung may katotohanan ang kanyang pahayag na inimpluwensiyahan ng Pangulo ang kanyang boto sa  pagpapasibak kay Corona sana noon pa man ay agad na siyang nagsalita kung talagang nais niyang maisiwalat ang katotohan. Bakit ngayon lang siya nagsalita tungkol doon ? Ibig sabihin kung hindi siya nadawit sa PDAF Scam ay ititikom niya lang ang kanyang bibig? Sa panig naman ng Pangulo , napakaraming isyu ang umalingasaw sa kanyang termino kaya habang tumatagal nawawala na rin ang tiwala ko sa kanya na siya ay nasa matuwid na daan kasama ang mamamayang Pilipino. Agad niyang pinabulaanan ang pahayag ni Senador Revilla , kung ating iisipin napakabilis naman ‘yatang depensahan ng Pangulo ang kanyang sarili at ang kanyang Administrasyon? Hindi ba ito ang konkretong katotohan na siya ay may kinalaman sa binanggit ni Senador Revilla ?


                Samakatuwid, naniniwala akong WALANG MALINIS AT WALANG MATUWID sa mga taong may posisyon sa gobyerno. Naniniwala akong nagsabwatan ang Pangulo at ang Senador kaya lang dumating ang pagkakataon na  kailangan nilang linisin ang kani-kanilang pangalan kaya ngayon sila ay naglalabas ng baho ng bawat isa. Akala mo kung magsalita sila, sila ang tama , sila ang ulirang pulitiko, pero ang katotohanan ni isa sa kanila ay wala , LAHAT SILA AY MARURUMING TAO NA PILIT LANG NILILINIS AT PINAKIKINANG ANG KANILANG PANGALAN SA MGA PILIPINO.

Source :

Image - https://www.facebook.com/photo.php?fbid=567367093353446&set=a.262604563829702.58025.257334291023396&type=1&theater

Sunday, January 5, 2014

Cooking Skills XD



This is my first ever VIDEO BLOG :), and my first ever cooking cooking on mainstream XD I am only a beginner and yet my first ever exposure is on Youtube , can you imagine ? :) what a mess ! -.-" Hope you like it :DD

Friday, December 27, 2013

Hanggang kailan ang ating Samahan ?

http://www.google.com.ph/imghp

 Saan man tayo mapadpad ay may  iba’t ibang mga tao tayong nakakasalamuha. Sa paaralan,  opisina , lansangan , lugar pasyalan at marami pang iba, may mga tao tayong nakakausap at nakakapalagayang-loob, upang lubos na maunawaan kung paano nga ba ang proseso kung paano natin nakikilala ang isang tao narito ang SOCIAL PENETRATION THEORY  na angkop na angkop para ipaliwanag sa atin ang mga ito.

Sinasabi sa teoryang ito na habang ang relasyon ng isa’t isa ay nagdedebelop, ang kanilang komunikasyon ay nagbabago rin mula sa mababaw hanggang sa malalim at mas pribadong  mga bagay na pinaguusapan sa kanilang buhay. Ang malalim na samahan ng dalawang tao ay nagmumula sa dahan-dahang proseso ng pagbabahagi ng kanilang mga karanasan,nasa isip o kanilang nararamdaman (Altman and Taylor,1973).

Ito ay nangyayari sa lahat ng tao at maging sa akin kaya naman lubos akong naniniwala sa teoryang ito. Sa mga magkaibigan, magkakilala,mga mahal sa buhay , magkasintahan at maging sa mag-asawa ay siguradong naranasan na nila ang isa sa lima o maaaring lima sa mga baitang ng teoryang ito .

Ang ‘Orientation Stage’ , dito napapaloob ang mga simpleng pagsang-ayon o ang pagpapakilala ng kanilang pangalan para makuha kung ano man ang pakay nila sa kanilang kausap kung gusto ba nila itong maging kaibigan  o may kailangan lamang silang impormasyon. Sa ‘Exploratory Affective Stage’ nagaganap ang pagpapakilala ng kanilang katauhan at pagpapahayag ng mga nararamdaman sa gobyerno o edukasyon at iba pa. Sa ‘Affective Stage’ nagiging seryoso ang lahat na kung saan napaguusapan na ang mga pribadong bagay, itinatagong sikreto at ang  ang kritisismo ay nagiging normal na lamang din sa baitang na ito, maihahanay dito ang mga magkasintahan, mag-asawa at magbest-friend dahil sa puntong ito ay may ‘intimacy’ ng nagaganap. Ang ‘Stable Stage’ ayon sa mismong pamagat nito ay dito na nagiging matibay at matatag ang inyong pagsasamahan , sa puntong ito alam niyo na ang inyong mga tunay na kulay para bang may linyang  nagdudugtong sa inyong dalawa dahil base lamang sa ekspresyon ng mukha at mga galaw ng katawan ay alam niyo na ang nararamdaman at nais ipahiwatig ng bawat isa. At ang huli ay ang ‘Depenetration Stage’ na ayaw makamit ng karamihan, dito kasi nangyayari ang tinatawag na ‘Law of Reciprocity’ na kung saan ang lahat ay bumabalik sa umpisa  sa kadahilanang isang tao na lamang ang nagsasalba ng relasyon. Sa puntong ito ang isa na lamang ang nagbibigay ng kanyang panahon , lakas at nararamdaman at wala ng bumabalik sa kanya kaya naman naghihiwalay o nagsisimulang muli ang dalawang tao sa kanilang ipinundar na relasyon  depende sa kanilang mapagkasunduan (Altman and Taylor,1973).

Lubha akong sumasang-ayon dito dahil lahat ng limang baitang na ito ay naranasan ko na at ako ay naniniwalang lahat ng tao ay dumaan, kasalukuyang dumadaan at pagdadaanan sa hinaharap ang mga ito. Ngayon mas magiging matalino na ako lalo pa’t lubha kong naintindihan kung ano nga bang hatid ng teoryang ito sa atin. Mas magiging maingat ako sa aking ikikilos kung ibibigay ko ba ang buong pagkatao ko agad agad o pahihirapan ko muna  ang isang tao upang makuha niya ang kaloob-looban ng pagkatao ko at maaari ko  ring maiwasang mangyari pa ang ‘Depenetration Stage’. Maaari ko na ring tukuyin kung anong lebel na ng relasyon mayroon ako sa aking mga kaibigan o iniibig para maiangkop ko ang aking mga kilos at pananalita sa kanila ng hindi ako lumagpas sa aking limitasyon.


Sources:

(Retrieved: December 22,2013)

(Altman and Taylor,1973) http://pencil-pushing.blogspot.com/2012/04/week-8-social-penetration-theory.html (Retrieved: December 22,2013)

(Altman and Taylor,1973). Social Penetration: The Development of Interpersonal Relationships. New York: Holt, Rinehart and Winston (Retrieved: December 22,2013)