Tuesday, January 28, 2014
Wednesday, January 22, 2014
WALANG MALINIS, WALANG MATUWID , LAHAT SILA MARUMI
Limang buwan ang nakalipas matapos
ang pananahimik ni Senador Ramon “Bong” Revilla Jr. laban sa akusasyon sa kanya
sa Priority Development Asisstance Fund Scam o PDAF Scam ay ngayon lamang siya
nagsalita at buong-buo niyang ipinahayag na wala siyang kinalaman sa mga
akusasyon sa kanya.
Sa
kanyang pahayag ay diumano’y inanyayahan siya ni Pangulong Benigno S. Aquino
III para kausapin tungkol sa kanyang pagboto sa pagpapasibak sa puwesto kay
dating Chief Justice Renato Corona , si Secretary of Trade and Industry Mar
Roxas II aniya ang sumundo sa kanya dala-dala ang isang kotse at inihatid kay
Pangulong Aquino, nadawit din ang pangalan ni Budget Secretary Butch Abad na
kasama rin na humingi ng pabor kay Senador Revilla. Isang araw matapos isiwalat
ang pahayag na ito ay agad na sumagot ang Malacanang sinabing walang katotohan
ang mga iyon , may mga bagay lamang daw na nilinaw ang Pangulo kay Senador
Revilla patungkol sa pagpapatalsik kay Corona.
Gayunpaman,
wala akong pinaniniwalaan sa dalawang ito na nasa tuktok ng pamahalaan ,
maaaring bahagyang nakuha ni Senador Revilla ang aking atensyon sa kanyang
pahayag pero siya ay aktor at kayang-kaya niyang lokohin ang mamamayan gamit
ang kanyang talento. May mga ebidensiya siyang ipinakita pero para sa akin ay
hindi iyon sapat na katunayan, kung may
katotohanan ang kanyang pahayag na inimpluwensiyahan ng Pangulo ang kanyang
boto sa pagpapasibak kay Corona sana
noon pa man ay agad na siyang nagsalita kung talagang nais niyang maisiwalat
ang katotohan. Bakit ngayon lang siya nagsalita tungkol doon ? Ibig sabihin
kung hindi siya nadawit sa PDAF Scam ay ititikom niya lang ang kanyang bibig?
Sa panig naman ng Pangulo , napakaraming isyu ang umalingasaw sa kanyang
termino kaya habang tumatagal nawawala na rin ang tiwala ko sa kanya na siya ay
nasa matuwid na daan kasama ang mamamayang Pilipino. Agad niyang pinabulaanan
ang pahayag ni Senador Revilla , kung ating iisipin napakabilis naman ‘yatang
depensahan ng Pangulo ang kanyang sarili at ang kanyang Administrasyon? Hindi
ba ito ang konkretong katotohan na siya ay may kinalaman sa binanggit ni
Senador Revilla ?
Samakatuwid,
naniniwala akong WALANG MALINIS AT WALANG MATUWID sa mga taong may posisyon sa
gobyerno. Naniniwala akong nagsabwatan ang Pangulo at ang Senador kaya lang
dumating ang pagkakataon na kailangan
nilang linisin ang kani-kanilang pangalan kaya ngayon sila ay naglalabas ng
baho ng bawat isa. Akala mo kung magsalita sila, sila ang tama , sila ang
ulirang pulitiko, pero ang katotohanan ni isa sa kanila ay wala , LAHAT SILA AY
MARURUMING TAO NA PILIT LANG NILILINIS AT PINAKIKINANG ANG KANILANG PANGALAN SA
MGA PILIPINO.
Source :
Image - https://www.facebook.com/photo.php?fbid=567367093353446&set=a.262604563829702.58025.257334291023396&type=1&theater
Sunday, January 5, 2014
Cooking Skills XD
This is my first ever VIDEO BLOG :), and my first ever cooking cooking on mainstream XD I am only a beginner and yet my first ever exposure is on Youtube , can you imagine ? :) what a mess ! -.-" Hope you like it :DD
Friday, December 27, 2013
Hanggang kailan ang ating Samahan ?
![]() |
| http://www.google.com.ph/imghp |
Saan man tayo mapadpad ay may iba’t ibang mga tao tayong nakakasalamuha. Sa
paaralan, opisina , lansangan , lugar
pasyalan at marami pang iba, may mga tao tayong nakakausap at
nakakapalagayang-loob, upang lubos na maunawaan kung paano nga ba ang proseso
kung paano natin nakikilala ang isang tao narito ang SOCIAL PENETRATION
THEORY na angkop na angkop para
ipaliwanag sa atin ang mga ito.
Sinasabi
sa teoryang ito na habang ang relasyon ng isa’t isa ay nagdedebelop, ang
kanilang komunikasyon ay nagbabago rin mula sa mababaw hanggang sa malalim at mas
pribadong mga bagay na pinaguusapan sa kanilang buhay.
Ang malalim na samahan ng dalawang tao ay nagmumula sa dahan-dahang proseso ng
pagbabahagi ng kanilang mga karanasan,nasa isip o kanilang nararamdaman (Altman
and Taylor,1973).
Ito ay
nangyayari sa lahat ng tao at maging sa akin kaya naman lubos akong naniniwala
sa teoryang ito. Sa mga magkaibigan, magkakilala,mga mahal sa buhay ,
magkasintahan at maging sa mag-asawa ay siguradong naranasan na nila ang isa sa
lima o maaaring lima sa mga baitang ng teoryang ito .
Ang ‘Orientation Stage’ , dito napapaloob
ang mga simpleng pagsang-ayon o ang pagpapakilala ng kanilang pangalan para
makuha kung ano man ang pakay nila sa kanilang kausap kung gusto ba nila itong
maging kaibigan o may kailangan lamang
silang impormasyon. Sa ‘Exploratory
Affective Stage’ nagaganap ang pagpapakilala ng kanilang katauhan at
pagpapahayag ng mga nararamdaman sa gobyerno o edukasyon at iba pa. Sa ‘Affective Stage’ nagiging seryoso ang
lahat na kung saan napaguusapan na ang mga pribadong bagay, itinatagong sikreto
at ang ang kritisismo ay nagiging normal
na lamang din sa baitang na ito, maihahanay dito ang mga magkasintahan,
mag-asawa at magbest-friend dahil sa puntong ito ay may ‘intimacy’ ng
nagaganap. Ang ‘Stable Stage’ ayon sa
mismong pamagat nito ay dito na nagiging matibay at matatag ang inyong
pagsasamahan , sa puntong ito alam niyo na ang inyong mga tunay na kulay para
bang may linyang nagdudugtong sa inyong
dalawa dahil base lamang sa ekspresyon ng mukha at mga galaw ng katawan ay alam
niyo na ang nararamdaman at nais ipahiwatig ng bawat isa. At ang huli ay ang
‘Depenetration Stage’ na ayaw makamit ng karamihan, dito kasi nangyayari ang
tinatawag na ‘Law of Reciprocity’ na
kung saan ang lahat ay bumabalik sa umpisa
sa kadahilanang isang tao na lamang ang nagsasalba ng relasyon. Sa
puntong ito ang isa na lamang ang nagbibigay ng kanyang panahon , lakas at
nararamdaman at wala ng bumabalik sa kanya kaya naman naghihiwalay o
nagsisimulang muli ang dalawang tao sa kanilang ipinundar na relasyon depende sa kanilang mapagkasunduan (Altman
and Taylor,1973).
Lubha
akong sumasang-ayon dito dahil lahat ng limang baitang na ito ay naranasan ko
na at ako ay naniniwalang lahat ng tao ay dumaan, kasalukuyang dumadaan at
pagdadaanan sa hinaharap ang mga ito. Ngayon mas magiging matalino na ako lalo
pa’t lubha kong naintindihan kung ano nga bang hatid ng teoryang ito sa atin.
Mas magiging maingat ako sa aking ikikilos kung ibibigay ko ba ang buong
pagkatao ko agad agad o pahihirapan ko muna ang isang tao upang makuha niya ang
kaloob-looban ng pagkatao ko at maaari ko ring maiwasang mangyari pa ang ‘Depenetration
Stage’. Maaari ko na ring tukuyin kung anong lebel na ng relasyon mayroon ako sa aking mga kaibigan o iniibig para maiangkop ko ang aking mga kilos at pananalita sa kanila ng hindi ako lumagpas sa aking limitasyon.
Sources:
(Retrieved: December 22,2013)
(Altman and Taylor,1973) http://pencil-pushing.blogspot.com/2012/04/week-8-social-penetration-theory.html (Retrieved: December 22,2013)
(Altman and Taylor,1973). Social Penetration: The Development of Interpersonal Relationships. New York: Holt, Rinehart and Winston (Retrieved: December 22,2013)
(Altman and Taylor,1973). Social Penetration: The Development of Interpersonal Relationships. New York: Holt, Rinehart and Winston (Retrieved: December 22,2013)
Saturday, December 14, 2013
HANGGANG KAILAN ?
" Ako nga pala si Michael , ikaw si . . . ? Nice to Meet You :) "
Yan ang mga katagang lagi nating sinasambit kapag may mga tao tayong nakakasalamuha na nais nating makilala.
Maaaring sa unang pagkikita ay titimo lamang siya sa utak mo pero sa susunod na magkasalubong muli ang inyong landas , tiyak hindi mo na siya pakakawalan at hihingin mo na ang kanyang contact number.
Ganyan naman madalas ang nangyayari sa lahat ng tao. Sa una , magkakilala lang kami , magkaibigan , magkasintahan , magkaibigan , magkakilala at ang pinakamasaklap ay hindi niyo na kilala ang isa't isa. Iyan ang sirkulasyon madalas ng bawat tao sa mundo.
Nais kong ipakilala sa inyo ang SOCIAL PENETRATION THEORY , nasasaad sa teoryang ito ang pagkakakilala ng bawat tao sa isa't isa, mula sa pagkakakilanlan mo sa kanyang pangalan , katangian , interes , pribado at personal na mga bagay sa buhay hanggang sa pinakamalalim niyang iniisip na kulang na lang ay ang hindi mo alam ay ang laman ng kanyang tiyan at ang inyong paghihiwalay kung makaramdam ng pananawa , palalim ito ng palalim ayon sa pagkakasunud-sunod.
Kaya nga naihahambing rin itong teoryang ito sa isang Sibuyas na kung saan ang pagkakakilanlan niyo sa isa't isa ay tila ba pagbabalat ng sibuyas na bawat parte ang tinatapyas habang ang pagsasamahan ay lumalalim hanggang sa dumating sa pinakanilalaman ng sibuyas na kung saan ay wala na kayong itinatago pa sa isa't isa maging ang pinakamadilim na sikreto. Ang komplikasyon lamang nito ay ang DEPENETRATION o ang paghihiwalay , ito ay kalimitang nangyayari sa mga taong naabot na ang rurok ng kaligayahan at lumagpas na sa kanilang limitasyon bilang magsing-irog.
Sabi nga ng isa sa aming mga propesor sa kolehiyo ng komunikasyon na kaya ang mga kabataang naghihiwalay ngayon ay dahil hindi pa man sila kasal ay may nagaganap ng pagtatalik sa loob ng kanilang relasyon kapag nakamit na ang kaligayahan at ang isang daang porsiyento o higit pa ng iyong pagkatao ay wala ng dahilan para magpatuloy pa , hindi tulad kapag nagtalik ng bagong kasal matapos maibigay ang lahat ay sisibol ang kanilang sanggol at sa bata na maitutuon ang kanilang atensyon na ang ibig sabihin ay may bago sa kanilang relasyon may dahilan para magpatuloy , hindi sila mapapako sa puro pagtatalik lamang sa kanilang relasyon.
Lubha akong sumasang-ayon sa teoryang ito dahil lahat ng taong magkaibigan , magkasintahan o mag-asawa ay dumadaan sa prosesong sinasabi sa teoryang ito. Mula sa aking sariling karanasan kung paano ko nakilala ang aking mga malalapit na kaibigan ngayon sa loob ng silid-aralan , nagsimula sa simpleng magkakurso , naging magkatabi sa upuan , magkaklase , magkaibigan at habang lumilipas ang bawat araw ay nagiging panatag sa kanya na magbahagi ng iyong pagkatao hanggang sa sila na ang nagiging sandigan mo kapag may problema ka.
Mula sa pananaw ng isang nagmamahal , nagsimula kami noon sa simpleng pagkikita lang dahil ang mga kaklase niya ay mga kaklase ko rin noon sa hayskul. Hanggang sa susunod naming pagkikita ay hingi ko ang kanyang contact number, siyempre naging textmate kami at nag-usap ng mga simpleng bagay hanggang sa habang tumagal ay masasabi kong unti-unting nabubuo ang isang pagsasamahan bilang magkaibigan na kapag may mga simpleng problema ay naibabahagi ko sa kanya at ganoon din naman ako. Naging magkasintahan kami matapos ang pagkakaibigan na lalong tumatag dahil maging ang problema niya ay naging problema ko na rin at ang problema ko ay naging problema niya na rin. Away at bati ganoon naman siguro kapag nagmamahal hindi nawawalan ng sigalot sa loob ng relasyon. Mas pinatatag pa ng ipakilala ko siya sa aking pamilya at ganoon din siya. Walang kasing sarap ang pakiramdam na ang bawat araw ay punum-puno ng kilig at pagmamahal. Wala na yata kaming hindi alam sa isa't isa , umabot kami ng isang taon pero tila hindi na yata madudugtungan dahil nakaramdam na siya ng pananawa siguro marahil matapos maibigay lahat ng kanyang naisin , tulungan siya sa lahat ng kanyang mga problema. Dumating sa amin ang puntong paghihiwalay o ang depenetration stage , hindi ko malaman ang dahilan basta ang sinabi niya sa akin ay nawalan na siya ng gana. Biglang pumasok sa isip ko , oo nga pala't Disyembre na at panahon na ng malamig na simoy ng hangin kaya siguro pati ang kanyang pagmamahal sa akin ay lumamig na rin.
Bilang pagtatapos kukuha ako ng linya sa isang kanta ni Jireh Lim na pinamagatang Pagsuko.
Lumalamig ang gabi
Hindi na tulad ng dati
May pagasa pa ba kung susuko ka na
Larawan mo ba ay lulukutin ko na
Sa hirap at ginhawa tayo ay nagsama
Damdamin mo tila ay napagod na
Ikaw at ako ay alaala na lang
Kung susuko ka na
Hindi ito istorya ng buhay ko . Kuwento ito ng SOCIAL PENETRATION THEORY na inilapat ko ang aking sariling karanasan para lubusang maintindihan.

Friday, December 6, 2013
Day Off bilang Estudyante . . .
Nakakaasar sabi ko kay mama wag muna akong gigisingin. Kulit talaga , sabado na naman ano kaya mangyayari ngayong araw? Excited ako. Sakit pa ng mga mata ko , binati ako ng kapatid ko ng goodmorning. Sarap mag unat , sakit pa ng katawan ko . gusto ko pa matulog e kaso hindi na ko makakatulog ulit saka 6:47 na ng umaga e , alas siyete ako nagpapaalarm . wala rin konting oras nalang aalarm na phone ko. Bakit kaya ganito nararamdaman ko parang kakaiba tong araw na to , o naninibago ako kasi first time kong ginawa to ? matulog ng 8 hours sabay isusulat yung mga pumasok sa isip na kahit ano . bago sa akin to . sana kasi nagrereply si sir , nakarami na ko ng text hindi pa rin nagrereply . narereceive niya kaya ang mga text ko ? hindi ko alam kung pupunta pa kong PUP mamaya para magpacheck ng introduction ng thesis namin. Sarap pa mahiga , parang minamagnet yung katawan ko sa kama , sana kaya ko rin yung ginagawa ng iba na halos 24 hours na tulog . ngayon nalang ulit ako natulog ng ganito kahaba . hay ! ang lamok naman. Kati ng hita ko , lagi nalang ako kinakagat ng mga lamok. Ayan nakabukas na ang electric fan ewan ko nalang kung kagatin pa ko ng mga lamok. Gusto ko makanood ulit ng pba . kulit naman ni mama naaasar ako tinatanong ako kung tapos na ko sa homework ko . hello ? ginagawa ko pa nga e kasalukuyan pa kong nagtytype, uutusan na naman ako. Tinext ko pa siya kgbi sbi ko wag ako gigisingin kasi gagawa ako ng assignment ko e. wala ginising pa rin ako . panget tuloy ng gising ko. Nakakaasar na nakakayamot na ewan. Nagalarm na phone ko , alas siyete na . kilos kilos na rin. Boboboi na naman . lagi na lang pinapanood ng kapatid ko yan, di ba sya nagsasawa ? hahahha. Di na tumalino yang si bobo boy. Tapos oggy naman ang papanoorin pagkatapos . sarap maghikab , hahaha. Hindi na naman ako pinatulog ng pusa namin kagabi ngaw ngaw ng ngaw ngaw . kapag tulog kmi siya ang gising kapag kmi gising siya ang tulog . nakakangalay dumapa , sakit ng siko ko . ano na naman kaya mangyayari sa lunes ? gusto ko na magbakasyon nararamdaman ko na yung pasko kasi ang lamig lamig sa madaling araw. Makaligo na nga , pinapantal na ko . para magising gising naman ako sa malamig na tubig. At aalis pa ko , puntahan ko pa yung girlfriend ko . tagal na naming di nagkita e.
Subscribe to:
Posts (Atom)